TUKNENENG v. 2.0
It's BIGGER. It's BE TTER.

☼ JACKPOT! May isang libo ako! wahahaha..

12/31/07

Hindi ko inaasahan na bibigyan ako ng aking uncle na kararating lang mula sa ibang bansa.  Ang cheap noh isang libo lang with some chocolates. Hehehe… Okay na sa akin yung chocolates pero nagulat talaga ako ng may sinigpit na isang libo dun sa tabi ng chocolates. Pati din ang nanay ko binigyan ng isang libo, pati si ate at yung pamangkin ko limang daan naman. Heheheh… Basta masaya ako ngaun kahit ganun lang ang natanggap ko. Atleast may pera diba? Hmmm… ano naman kaya ang aking bibilhin? Sapatos na naman. Adik kasi sa sapatos. Wahehehe.

Kanina nagpiktoor piktoor kami nila ate at mama suot-suot ko yung singkwenta pesos na Rayban kuno na nabili nila sa may simbahan. Oo. singkwenta pesos. 50 pesos. wahahaha.. At ako naman si gaga suot-suot feel na feel na original yung Rayban at guess what sumali ako sa http://www.raybanrockstar.ph <<< Yung Rayban rockstar model search kuno. Bwahahahaha.. eh hindi nga original yung suot ko, tingnan ko lang malay mo JUMAKPOT na naman ako. WAHAHAHAHA!! Eto yung mga picture pero in-edit ko na yan, hindi yan yung original na sinend ko dun sa website. Kung ano anong caption yung nilagay ko kanina sa website para talaga akong ulol, hindi ko kasi alam kung pano i-blend ang pagkarakista ng rayban dun sa picture kaya ayun kung ano yung naiisip ko kanina yun na lang yung nilagay ko. Wala na ako pake. I-reject man nila, pang friendster photo ko na lang. Haha! :D I'm just having fun with the pics anyway at hindi ako umaasa. Malay natin. Hahaha! At balak ko na ngang i-upload sa friendster kaya lang hindi ko alam kung anong magandang caption. Mag-suggest naman kayo ng magandang caption kahit medyo corny ok lang, wala talaga ako maisip eh. Heto na yun:

 


{Insert Caption Here}
(more…)

Posted by tukneneng at 6:08 pm | permalink | comments[1]